Wednesday, September 16, 2009

Magkalimutan na kung gan'to lang naman!

Pinagawa kami ng teacher ko ng isang 'book report'...

Nung araw ng pasahan, nakita ko ang gawa ng aking kaklase. Punong-puno ng kulay, ng kaartihan, at mga disenyo't palamuti. PERO, ano naman ang laman? BASURA. Mga nakasulat ay walang kwenta.

Ang magdisenyo ba ng bond paper ang ibinigay na proyekto para sa'min? Sa pagkakaalam ko, ang ipinagagawa ay isang book report at hindi isang papel na puro arte! Dinaan na lang sa mga disensyo. Bakit hindi sa laman nito?

Pero, sino nga ba naman ang hindi maaakit sa gawa niya? Lalo na kung maganda naman talaga ang pagkakadisenyo, pero hindi ang pagkakagawa ng laman nito.

Ano mangyayare sa grade niya? 100%? MINUS 5? Ano 'yun? 95%? Joke ba 'yun? Ano naman ang binatbat ng isang MINUS 5 na 'yun sa isang 75% na grado PERO ito nama'y malaman, makabuluhan, at masasabing talagang pinaghrapan! Diba?

Lahat na lang............

*NOTE: Wag gawing literal ang mga nakasulat dito.

0 comments: