Pinagawa kami ng teacher ko ng isang 'book report'...
Nung araw ng pasahan, nakita ko ang gawa ng aking kaklase. Punong-puno ng kulay, ng kaartihan, at mga disenyo't palamuti. PERO, ano naman ang laman? BASURA. Mga nakasulat ay walang kwenta.
Ang magdisenyo ba ng bond paper ang ibinigay na proyekto para sa'min? Sa pagkakaalam ko, ang ipinagagawa ay isang book report at hindi isang papel na puro arte! Dinaan na lang sa mga disensyo. Bakit hindi sa laman nito?
Pero, sino nga ba naman ang hindi maaakit sa gawa niya? Lalo na kung maganda naman talaga ang pagkakadisenyo, pero hindi ang pagkakagawa ng laman nito.
Ano mangyayare sa grade niya? 100%? MINUS 5? Ano 'yun? 95%? Joke ba 'yun? Ano naman ang binatbat ng isang MINUS 5 na 'yun sa isang 75% na grado PERO ito nama'y malaman, makabuluhan, at masasabing talagang pinaghrapan! Diba?
Lahat na lang............
*NOTE: Wag gawing literal ang mga nakasulat dito.
Wednesday, September 16, 2009
Magkalimutan na kung gan'to lang naman!
Posted by scjla at 4:48 AM 0 comments
Tuesday, September 15, 2009
Habulin mo ako at tayain!
Iba-iba nga naman ang mga nilalang dito sa mundo no? Iba-iba ang ugali, iba-iba ang gusto, iba-iba ang ayaw, iba-iba ang lahat. Walang dalawang tao dito sa mundo ang magkapareho sa kahit ano! Dahil dito, minsan nagkakaproblema ang isa't-isa.
May ilang taong mahirap habulin ang tunay na ugali. Napakahirap. Siguro, dahil hindi pa kayo nagkakasama buong buhay niyo. Hindi pa kayo nagkakasalamuha kahit minsan.
Habol. Habol. Habol. Habol. Hay...
Minsa'y inaabot na ng hingal, pero 'di mo pa rin makuha minsan ang ugali ng isang tao. Mahirap kasing sabayan e. Mahirap makipagsabayan.
Sana pwedeng mag-break at uminom ng ENERGY DRINK, no?
Posted by scjla at 6:00 AM 0 comments
Aphorism loops.
"Everybody is unique."
-> How come we are unique if we all have similarities, then? (and that's being unique) So, how come?
Posted by scjla at 5:54 AM 0 comments
Monday, September 14, 2009
Araw ng Masamang Buhok (Bad Hair Day) BULOK!
Mga WALA KAYONG PATAWAD!
Posted by scjla at 5:28 AM 0 comments
Friday, September 11, 2009
Read my lips. FEEL THE BEAT OF MY HEART.
*PLAY first the video and sing a-long! :)
Para Lang Sa'Yo
By: Aiza Seguerra
Noo'y umibig na ako subalit nasaktan ang puso
Parang ayoko ng umibig pang muli
May takot na nadarama
Na muli ay maranasan
Ayoko ng masaktan muli ang puso ko
Ngunit nang ikaw ay makilala
Biglang nagbago ang nadarama
Para sayo ako'y iibig pang muli
Dahil sayo ako'y iibig nang muli
Ang aking puso'y
Pag-ingatan mo
Dahil sa ito'y muling magmamahal sayo
Para lang sayo
Muli ay aking nadama
Kung paano ang umibig
Masakit man ang nakaraa'y nalimot na
Ang tulad mo'y naiiba
At sayo lamang nakita
Ang tunay na pag-ibig na'king hinahanap
Buti na lang ikaw ay nakilala
Binago mo ang nadarama
Para sayo ako'y iibig pang muli
Dahil sayo ako'y iibig nang muli
Ang aking puso'y
Pag-ingatan mo
Dahil sa ito'y muling magmamahal sayo
Para lang sayo
Di na ako muling mag-iisa
Ngayon ikaw ay nandito na
Para sayo ako'y iibig pang muli
Dahil sayo ako'y iibig nang muli
Ang aking puso'y
Pag-ingatan mo
Dahil sa ito'y muling magmamahal sayo
Para lang sayo
Ako'y iibig pang muli
Para lang sayo
*NOTE: I have chosen to post the instrumental of the song since I really cannot find the original song in youtube.com; but anyway, I guess it is nice b'coz the sound is pleasing for the soul. :P
Posted by scjla at 7:33 PM 0 comments
Thursday, September 10, 2009
Panis.
Pare-parehong ulam ang ipinapasok sa bibig araw-araw. Parehong pareho!
Parehong kulay, parehong amoy!
Parehong luto, parehong sangkap!
Parehong itsura; hindi ka ba nagsasawa sa lasa?
PWES, ako sawang-sawa na!
Matuto sanang tikman ang ibang putahe.
Walang mawawala sayo, wag ka mag-alala.
Walang halong lason, at tiyak na mas masarap pa 'to!
Kasi yung ulam na lagi mong kinakain...
PANIS na!
*PAALALA: Ang iyong mga nabasa ay HINDI literal na isinulat. Wala itong kinalaman sa ano mang ulam o ano mang pagkain.
Posted by scjla at 3:35 AM 0 comments
Monday, September 7, 2009
Puyat.
Bago ako matulog sa araw na ito, nais ko munang ibahagi sa inyo ang pinaghirapan ng klaseng kinabibilangan ko para sa isang kontes sa Buwan Ng Wika noong Agosto 28.
Unang Pangkat.
- itinanghal ang unang pangkat sa seksyon namin bilang kampeon para sa unang tanong.
Ikalawang Pangkat. (ito ang pangkat na kinabilangan ko.)
- gayundin, kami ulit ang nagwagi para sa ikalawang tanong.
Ikatlong Pangkat.
- kami ay hindi pinalad na makamit ang panalo para sa ikatlong tanong.
PERO... AYOS LANG! :)
- dito nagtatapos ang 'blog' na ito. Magandang Gabi at Matutulog na ako.
Posted by scjla at 8:08 AM 0 comments
Sunday, September 6, 2009
I Heart You. I Love You. I HACKED YOU.
Hack has several related meanings in the technology and computer science fields. It may refer to a clever or quick fix to a computer program problem, or to what may be perceived to be a clumsy or inelegant (but usually relatively quick) solution to a problem. The term is also used to refer to a modification of a program or device to give the user access to features that were otherwise unavailable, such as DIY circuit bending.
Buy hacking was never defined or referred to as a game to play the account of other people. Tsk.
Posted by scjla at 5:51 AM 0 comments

