Tuesday, September 15, 2009

Habulin mo ako at tayain!

Iba-iba nga naman ang mga nilalang dito sa mundo no? Iba-iba ang ugali, iba-iba ang gusto, iba-iba ang ayaw, iba-iba ang lahat. Walang dalawang tao dito sa mundo ang magkapareho sa kahit ano! Dahil dito, minsan nagkakaproblema ang isa't-isa.

May ilang taong mahirap habulin ang tunay na ugali. Napakahirap. Siguro, dahil hindi pa kayo nagkakasama buong buhay niyo. Hindi pa kayo nagkakasalamuha kahit minsan.

Habol. Habol. Habol. Habol. Hay...
Minsa'y inaabot na ng hingal, pero 'di mo pa rin makuha minsan ang ugali ng isang tao. Mahirap kasing sabayan e. Mahirap makipagsabayan.

Sana pwedeng mag-break at uminom ng ENERGY DRINK, no?

0 comments: