Credits to: Nic.
http://angelpotnic.blogspot.com/
Siguro kung tatamaan ng kidlat ang mga taong di tumutupad sa salitang "promise" magmimistulang fireworks display everyday..- BOB ONG
Naniniwala ba kayo sa salitang "pangako"? kung ako ang tatanungin.. hindi na ako masyadong naniwala sa salitang yan.. bakit??? madaming beses na may nangako sa akin pero ano nangyayari?? ayun nasisira lang nila.. kaya nga kapag may nangangako sa akin, sabi ko huwag na siyang mangako, gawin na lang niya... dahil kung hindi din niya yun matutupad, ano pang saysay ng salitang PANGAKO??? may iba na nangangako at natutupad nila, ngunit karamihan ay nababali iyon.. kung ang salita ngang MAHAL KITA ay madali lang bitawan, paano pa kaya ang salitang PANGAKO diba... huwad ang salitang iyan kapag nanggaling lamang sa labi, ngunit hindi sa puso.. may mga salitang kaya nating sambitin mula sa ating mga labi kaysa galing sa ating puso.. ang mga salitang nanggaling sa ating puso ay mas may sinseridad...
Katulad na lang sa pag-ibig.. madaling sabihin na, "mahal na mahal kita, hindi kita iiwanan kahit kailan"... pero natutupad ba?? may iba natutupad dahil iyon ay bukal sa kanilang kalooban.. ngunit ang iba ay basta may masabi lang.. kasi madali magbitaw ng pangako pero mahirap tuparin.. para sa iba mahirap tuparin, para naman sa iba ay madali lang.. sabi nga nila, huwag kang mangangako kung alam mong masisira mo lang iyon.. mas maigi na gawin mo nalang.. iyon ang aking paniniwala din.. kasi ang nasirang pangako ay mahirap ng ibalik pa.. pati na din ang tiwala nang taong pinangakuan mo.. kahit na sa kaibigan, madalas nangangako tayo.. at minsan napapako naman.. naniniwala ako na lahat naman tayo may mga pangakong napapako eh.. pero hangga't kaya natin iwasan.. iwasan natin makabali ng pangako.. :]
-http://angelpotnic.blogspot.com/2009/04/isang-pangako.html
Nangako na din ako. Hindi lang sa ibang tao, kundi sa sarili ko din mismo. Nakakalungkot isipin na kailangan ko yung baliin. Alam niyo kung ano yun? Ang mangakong...
"Hindi na babaliin ang pangakong binibitawan ko."
Pero, BABALIIN ko. :( Nangako ako sa isang tao. Isang pangakong pinangangatawanan ko hanggang ngayon. At pangangatawanan ko hanggang sa sumapit ang takdang panahon.
Kailangan baliin. Hindi dahil pagod na ako sa panahon na 'yon na pangatawanan ang pangakong binitiwan. Hindi dahil takot ako sa anumang pwedeng kaharapin. Pero, kailangan baliin dahil KAILANGAN. Maraming nasagasaan. Maraming nasasagasaan. Maraming masasagasaan. At kabilang SIYA sa mga 'yon. Kasama din ako.
Wednesday, August 26, 2009
Alikabok
Posted by scjla at 4:27 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment